CYBERBULLYING

CYBERBULLYING

Friday, September 25, 2015

CYBERBULLYING









Cyber  Bullying   Delubyo   Sa  Teknolohiya











PANIMULA/KALIGIRAN

 

            Teknolohiya at wika ay naging magkabahagi sa higit isang dekada dahil sa pagkakatuklas o pagkakabuo ng mga bagong gamit na nagpatatag sa wika na ginagamit ng karamihan ngayon sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa isang banda ang teknolohiyang ito ay siya ring nakakasira ng buhay ng isang tao at napigil ditong ipahayag ang sarili.

        Sa isinagawang pagsasaliksik marami sa mga tao ngayon ay apektado na ng teknolohiya. Ilan sa mga bagay na nakakabahala ay ang lumalaganap na cyber bullying. Ito ang nagdala sa mga mag-aaral na gumawa ng isang papel na patungkol sa sanhi at mga maaring maging bunga ng cyber bullying o ang pangungutya gamit ang sariling wika sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya sa panahong ito.

        Sa mga nabasang mga midyum galing sa internet marami ay patungkol sa mga lumalalang kaso ng cyber bullying sa mga social networking sites o kahit na sa mga text messaging. Dito mas marami na ang nagsasabi na ang wika sa teknolohiya ay hindi makabubuti sa bawat isa. Ang mga bagay na ito ang nagtulak sa mga mag-aaral na gumawa at mag organisa ng isang adbokasiya gamit ang konseptong papel.

 

 

 

 

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

 

“CYBER BULLYING DELUBYO SA TEKNOLOHIYA”

       May kasabihan ang mga pinoy na ang sobra ay hindi mabuti, dito nanggaling ang mga salitang nakapaloob sa parirala na naibigay. “Delubyo” salitang tumutukoy sa matinding pagkasira na isinama ng mga mag-aaral sa cyber bullying ; ang sumisira sa reputasyon ng teknolohiya na katulong sa halos lahat ng bagay. Kaya nasabi na isang delubyo dahil ang sakit o pangmatagalan ang kailangang gamutan sa nakaranas nito. Maari ring ituring na isang eipidemia ang cyber bullying dahil ang mga taong binubully ay maari na ring maging isang sanhi ng pagkalat ng delubyong nasasabi sa pagdating ng panahon at dahil dito dumarami ang mga nagawa ng cyber bullying.

 

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN


Sa napakaraming isyu ang nakapaloob sa wika ng teknolohiya ang cyber bullying ang umaangat sa mga magaaral dahil ito ang karaniwang nararanasan at laganap sa panahon ngayon. Tulad ng nasasabi ang cyber bullying ay isang sakit at ayon sa mga natanong na mga tao ito raw ang magandang pagtuunan ng pansin dahil hindi lang ang mga Pilipino ang nakararanas nito kahit sa ibang bansa meron ding ganitong kaso. Kaya napagtanto ng mga mag-aaral na ang cyber bullying ang magandang paksa para sa adbokasiya dahil sa napakadaming mga pagkukunan ng midyum na makakatulong upang makagawa ng maayos at organisadong papel. Dito malalaman kung ano ang magiging epekto ng taong nakararanas ng ganitong uri ng pangungutya o paninira. Sa mga nangyayari ngayon hindi na ito maganda dahil may nagpapakamatay na dahil sa bullying.

         Sa mga estudyante na wala pang gaanong alam sa mga nangyayari sa labas napakaimportante ang pagiging malaya, buhay na pribado, prinsipyo at karangalan na walang sinuman ang may karapatang sirain o hadlangan ito. Ang ginawang conceptong papel ay nais mag pahiwatig sa bawat tao hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati sa buong mundo na hindi tama ang nangyayaring panghihimasok o paninira ng isang tao sa pamamagitan ng paglagay ng isang mukha sa isang sekswal na imahe at marami pang ibang uri ng paninira o pangbubully gamit ang teknolohiya. Itong mga bagay na ito ay maaring hindi makita ang epekto sa panlabas na katauhan ngunit maaring malaki ang epekto nito sa mental ng isang tao.

         Gusto sana namin iparamdam o ipaalam sa mga makababasa nito na ang cyber bullying ay banta sa buhay ng matatanda lalong lalo na sa mga bata kaya’t gusto namin kayong tulungan kung hindi man iwaksi ay ang pababain ang porsyento ng cyber bullying dito sa ating bansa upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na bagay na maaring humantong sa kamatayan o sakit sa utak. Gusto sana naming sabihin o ipaalam sa mga magulang ng bawat bata na habang maaga ay kung maari ay ilayo muna nila ang mga anak nila sa social networking sites upang maiwasan ito, ngunit kung nangyari na maaring ipakonsulta sila sa mga psychologists upang malaman kung nadamay ang utak ng mga bata dahil sa matinding takot. Gagawin namin ang mga bagay na ito upang ilayo ang mga bata sa masasamang bagay na maaring mangyari sa paggamit ng social networking sites tulad ng facebook, twitter at marami pang iba kung saan laganap ang kaso ng cyber bullying.

 

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA

 

Ang imahe na ipinakita ay nagpapakita ng isang bata na sinasaktan ang isang inosenteng bata. Itong imaheng ito ay maraming ibig sabihin na nais iparating. Ito ay maaring makaapekto sa isip ng bata na sinasaktan
BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

Sa isinagawang proyekto laban sa cyber bullying nais sana naming tuluyang mailayo ang bawat bata sa social networking sites kung maari. Kapag naisaayos ito mas magiging ligtas ang mga bata at mas magiging kampante ang mga magulang nito. Kung magagawa namin ito mas maraming bata ang mailalayo sa maaring maging epekto ng cyber bullying sa kanila.

1 comment:

  1. Kung biktimna ka ng cyber bullying,may mga hakbang ka na dapat malaman para labanan eto.Isa na dito ang pag lapit sa kinauukulan at mag patulong.sakit.info

    ReplyDelete