Cyber Bullying
Delubyo Sa Teknolohiya
PANIMULA/KALIGIRAN
|
Teknolohiya at
wika ay naging magkabahagi sa higit isang dekada dahil sa pagkakatuklas o
pagkakabuo ng mga bagong gamit na nagpatatag sa wika na ginagamit ng karamihan
ngayon sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa isang banda ang teknolohiyang ito
ay siya ring nakakasira ng buhay ng isang tao at napigil ditong ipahayag ang
sarili.
Sa
isinagawang pagsasaliksik marami sa mga tao ngayon ay apektado na ng
teknolohiya. Ilan sa mga bagay na nakakabahala ay ang lumalaganap na cyber bullying. Ito ang nagdala sa mga mag-aaral
na gumawa ng isang papel na patungkol sa sanhi at mga maaring maging bunga ng
cyber bullying o ang pangungutya gamit ang sariling wika sa pamamagitan ng
makabagong teknolohiya sa panahong ito.
Sa
mga nabasang
mga midyum galing sa internet
marami ay patungkol sa mga lumalalang kaso ng cyber bullying sa mga social networking sites o kahit na sa
mga text messaging. Dito
mas marami na ang nagsasabi na ang wika sa teknolohiya ay hindi makabubuti sa
bawat isa. Ang
mga bagay na ito ang nagtulak sa mga mag-aaral na gumawa at mag
organisa ng isang adbokasiya gamit ang konseptong papel.
|
MUNGKAHING
TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
|
“CYBER BULLYING DELUBYO SA
TEKNOLOHIYA”
May
kasabihan ang
mga pinoy na ang sobra ay hindi mabuti, dito nanggaling ang mga salitang
nakapaloob sa parirala na
naibigay.
“Delubyo” salitang tumutukoy sa matinding pagkasira na isinama ng mga mag-aaral
sa cyber bullying ; ang
sumisira sa reputasyon ng teknolohiya na katulong sa halos lahat ng bagay.
Kaya nasabi na
isang delubyo dahil ang
sakit o pangmatagalan ang kailangang gamutan sa nakaranas nito. Maari
ring ituring na isang eipidemia ang cyber bullying dahil ang mga
taong binubully ay maari na ring maging isang
sanhi ng pagkalat ng delubyong nasasabi sa pagdating ng panahon at dahil
dito dumarami ang mga nagawa ng cyber bullying.
|
RASYUNAL,
MITHIIN AT MGA LAYUNIN
|
Sa
napakaraming isyu ang nakapaloob sa wika ng teknolohiya ang cyber bullying
ang umaangat sa mga magaaral dahil ito ang karaniwang nararanasan
at laganap sa panahon ngayon. Tulad ng nasasabi
ang cyber bullying ay isang sakit at ayon sa mga natanong na mga tao ito raw
ang magandang pagtuunan ng pansin dahil hindi lang ang
mga Pilipino ang
nakararanas nito kahit sa ibang bansa meron ding ganitong kaso. Kaya napagtanto
ng mga mag-aaral na ang cyber bullying ang magandang paksa para sa adbokasiya dahil sa napakadaming mga
pagkukunan ng midyum na makakatulong upang makagawa ng maayos at
organisadong papel. Dito malalaman kung ano ang magiging epekto ng taong
nakararanas ng ganitong uri ng pangungutya o paninira. Sa mga nangyayari ngayon
hindi na ito maganda dahil may nagpapakamatay na dahil sa bullying.
Sa mga estudyante na wala pang gaanong alam sa mga
nangyayari sa labas napakaimportante ang pagiging malaya, buhay na pribado,
prinsipyo at karangalan na walang sinuman ang may karapatang sirain o
hadlangan ito. Ang ginawang
conceptong papel ay nais mag pahiwatig sa bawat tao
hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati sa buong mundo na hindi tama ang
nangyayaring panghihimasok o paninira ng isang tao sa pamamagitan ng paglagay
ng isang mukha sa isang sekswal na imahe at marami pang ibang uri ng paninira
o pangbubully gamit ang teknolohiya. Itong mga bagay na ito ay maaring hindi
makita ang epekto sa panlabas na katauhan ngunit maaring malaki ang epekto
nito sa mental ng isang tao.
Gusto sana namin iparamdam o ipaalam
sa mga makababasa nito na ang cyber bullying ay banta sa buhay ng matatanda
lalong lalo na sa mga bata kaya’t gusto namin kayong tulungan kung hindi man
iwaksi ay ang pababain ang porsyento ng cyber bullying dito sa ating bansa
upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na bagay na maaring humantong sa
kamatayan o sakit sa utak. Gusto sana naming sabihin o ipaalam sa mga
magulang ng bawat bata na habang maaga ay kung maari ay ilayo muna nila ang
mga anak nila sa social networking sites upang maiwasan ito, ngunit kung
nangyari na maaring ipakonsulta sila sa mga psychologists upang malaman kung
nadamay ang utak ng mga bata dahil sa matinding takot. Gagawin namin ang mga
bagay na ito upang ilayo ang mga bata sa masasamang bagay na maaring mangyari
sa paggamit ng social networking sites tulad ng facebook, twitter at marami
pang iba kung saan laganap ang kaso ng cyber bullying.
|
DISENYO
NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
|
Ang imahe na ipinakita ay
nagpapakita ng isang bata na sinasaktan ang isang inosenteng bata. Itong
imaheng ito ay maraming ibig sabihin na nais iparating. Ito ay maaring makaapekto sa isip ng bata
na sinasaktan
|
| BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA |
Sa isinagawang proyekto laban sa cyber bullying nais sana naming
tuluyang mailayo ang bawat bata sa social networking sites kung maari. Kapag
naisaayos ito mas magiging ligtas ang mga bata at mas magiging kampante ang
mga magulang nito. Kung magagawa namin ito mas maraming bata ang mailalayo sa
maaring maging epekto ng cyber bullying sa kanila.
|

